"LAPU-LAPU REBULTO "
"LAPU-LAPU REBULTO " Si Lapu-Lapu (nakilala noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan , isang pulo sa Cebu , Pilipinas , na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila . Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes . Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu , Si Lapu-Lapu , Salip Pulaka , at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco ), subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito. Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapu-Lapu ay isang Muslim na nagmula sa mga Tausug . Pinaniniwalaan din na si Lapu-Lapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu . Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapu-Lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan.