Posts

"LAPU-LAPU REBULTO "

Image
"LAPU-LAPU REBULTO " Si Lapu-Lapu (nakilala noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng  Mactan , isang pulo sa  Cebu ,  Pilipinas , na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga  Kastila . Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si  Fernando Magallanes . Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang  Çilapulapu ,   Si Lapu-Lapu ,   Salip Pulaka ,   at  Khalifa  Lapu o  Caliph  Lapu (ibinabaybay din bilang  Cali Pulaco ),  subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito. Ang mga mamamayan ng  Kapuluan ng Sulu  ay pinaniniwalaan na si Lapu-Lapu ay isang  Muslim  na nagmula sa mga  Tausug . Pinaniniwalaan din na si Lapu-Lapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng  Kasultanan ng Cebu . Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapu-Lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan.